Life after Boards: Fresh Graduate/Newbie Nurse in the Real World

This blog is dedicated to the newly board passers.

Sa lahat ng congratulations messages sa akin, this one unique message caught up my attention. 

“Welcome to the REAL WORLD”.

It made me think, what is that “REAL WORLD” they are talking about.

When I became a registered nurse, I thought that everything would be EASY. Akala ko wala ng problema kasi natupad ko na yung pangarap ko. Akala ko puro nalang saya! Akala ko FINISH NA! Wala ng paghihirap.

Pero HINDI! Kasi simula palang talaga ng tunay na laban sa life! Dahil sa REAL WORLD, ang daming bagay na dapat ICONSIDER.

Hindi ko na pahahabain ang intro ng blog na to, simulan natin agad dahil mahaba habang kwentuhan ito…

  • Hindi gagana ang “kapag gusto ko, gusto ko”.

I have that kind of attitude pa naman. Kasi when I have a goal gusto ko talaga matupad, hindi puro pangarap nalang. Gusto ko magkatotoo. Hahahah.

Gusto ko magwork agad sa hospital. Pero nakita ko ang liit ng sahod, kaya ko naman sanang tiisin pero gusto ko din munang makatulong muna kela Nanay dahil ang dami nilang gastos sakin simula nung nag aral ako. Hindi muna ako pumasok sa hospital. Doon ako nag apply sa may mas magandang offer (in terms of sahod) dahil nagsisimula palang ako, kailangan kong mag ipon.

2 months kong TINIIS ang boards kasi A K A L A  K O pagkatapos nun, magagawa ko na ang gusto ko. Pero hindi pala talaga ganun.

 

  • Hindi mo hawak ang oras mo.

Nung student pa ko, kapag ayaw kong pumasok, di ako papasok. Kapag ayaw kong bumangon ng maaga, 2nd subject ako papasok. ( Yes may pagkapasaway din ako nung student pa ako. Pero nung 4th year lang kasi nga graduating hahaha  )

Walang work suspension kahit na bagyo kailangan paring pumasok kasi MAS KAILANGAN kami ng tao sa mga ganung panahon.

*Insert Nurses Hymn* Beneath the sun and stormy weather we shall travel on

Pagdating sa work, dapat makita yung PROFESSIONALISM na tinatawag. On time sa work, less dapat ang late. Kasi your ATTITUDE counts. 

 

  • You are exposed to many decision makings.

Dahil nga baby nurse ako, may mga time na I am screaming at the back of my mind “Paano ba ito gawin, kailangan ko ng Clinical Instructor, Sir/Mam nasaan na po kayo. Kailangan ko pa kayo. Hindi ko pa to kaya mag isa”. Wala ng magdidikta at magtuturo sayo. Nung student pa kasi ako andiyan sila Mam/Sir para sabihin kung ano ang gagawin namin. Ngayon you need to stand on your own feet and make a decision on what you are going to do. Everything was new to me. Bagong bago sa nakasanayan when I was a student pa.

Kinakausap ko na nga lang ang sarili ko minsan while crying internally because nakakahiya pag hindi ko alam “Ano ba yan Mitzi. You graduated as Clinician of the Year, bakit hindi mo yan alam. Inaral mo naman yan noon. Ano? Tanga moments na naman tayo dito” hahaha. Medyo harsh ang self talk ko, pero totoo.

Sa real world, walang title title. Walang award award. Walang halaga yang grades mo nung college ka. Hindi yan counted ngayon! (siguro may halaga yun ratings kasi may mga hospitals na required ang 80% average kapag magaapply ka ng work saka pampaganda ng resume yung awards hahah char lang!)

Pero REALTALK tayo rito, isang malaking BACK TO ZERO ka!

HINDI SAPAT yung mga alam mo noon! Madami kang dapat matutunan na ibang bagay to DEVELOP YOUR NURSING SKILLS.

Nung mga unang araw ko sa work, wala akong initiative. Inaantay ko pa yung sasabihin at iuutos ng mga Mam/Sir ko bago ako kikilos. Nag aantay ako ng magsasabi sakin kung ano ang gagawin ko.

And then I finally realized na, ay oo nga pala Registered Nurse na ako, hindi na ako STUDENT nurse.

 Iba na nga pala itong mundong ginagalawan ko.

Dito madedevelop ang DECISION MAKING SKILLS mo. Lalong lalo na ang CONFIDENCE sa mga actions mo. Syempre kailangan ipakita mong confident ka sa mga ginagawa mo para hindi mag doubt ang patient sa kakayahan mo.

  • You will learn to DEAL WITH YOUR WORKMATES

Gusto ko minsan mag joke pero baka isipin nila offensive.

(REMEMBER: hindi ko ka age group mga kasama ko. ) Silence is the key. I need to watch my words. I should be careful sa mga sasabihin ko.

Saan ba aabot ang pagiging friendly ko. Sa mga ka age group ko lang yata gumagana. Hahahaha.

When I entered my first duty @ Rural Health Unit-Botolan, sobrang formal ko bes! I addressed everyone “Mam/Sir”. Kailangan may pag galang talaga. Kailangan marangal. Haha char!

I was expecting for a harsh environment in the real world. Because ang daming kwento ko na naririnig na napapagalitan ng doctor, inaaway ng patient, napag uusapan ng workmates. And I prepared myself for that.

Observe observe muna ako nung una. And when I heard them, they are calling each other “Ate, Kuya” instead of “Ma’am/Sir”. Nacomfort ako doon. Because Botolan HRH (Human Resources for Health) treat each other as a sister/brother, a family. Tapos tulungan talaga doon, kaya maganda ang accomplishment reports ng Botolan. Mabibilis silang magtrabaho ❤

img20181123101858.jpg
Meet my fellow HRH/ Ate and Kuya 11 nurses, 2 midwives, 1 doctor
Botolan HRH
Municipality of Botolan-Human Resources for Health Department of Health-RO3

Dahil nga ako ang pinakabata doon,  (20 years old lang ako) more than 4 years older sila sa akin. Ako ang napagkakatuwaan. Laging napapansin.  Oo na sabihin na natin, nabuBULLY! Hahah. Pinagtutulungan ba ako ng mundo? Char hahah.  Pero that’s part of life. Isipin mo  nalang yun yung charm ng mga newbie baby nurse. Sayo ang spotlight besh! Hahaha.

The best thing about having them is that ang daming words of wisdom ang napupulot ko. Siguro naka earn ako ng life advices, life lessons and tips to adulting from them. Madami na silang napagdaanan. And I enjoy listening to them every time they share their experiences to me. Sobrang innocent ko as a baby nurse. And it is an honour for me to learn from my senior nurses. Ang dami kong nalalaman. As in. Kung maidedescribe ko yung work environment ko diyan sa RHU-BOTOLAN, para akong nasa Treasure Island. Because lahat ng makita at marinig ko ay suitable for my growth. (Yes. EVEN NEGATIVES AND EVEN PAINS)

Siguro some will say na, ang toxic and unhealthy ang ibang work environment, pero depende naman sayo yan how you view things. It is all about your perception. It is also your CHOICE if you are going to look on the negative or positive side of life.

 

  • Finish what you started

 WALANG MAGRERESIGN! Tapusin ang nasimulan! (6 months ang contract ko, nasa 2nd month palang ako, I feel like quitting na.)

Babalik at babalik talaga tayo sa “When you feel like giving up and want to quit, think of the reason WHY YOU STARTED”

May time na sumagi sa isipan ko. Gusto ko ng magresign. Ang hirap magtrabaho!

I will give you a background about my work…

I’m a Family Health Associate of Municipality of Botolan. The focuses of my work are as follows:

  • Promotion of family planning/ FP counselling (through USAPAN sessions na ginagawa ko with the NDP FP coordinator. Syempre hindi naman ako trained doon kaya kasama ko siya sa pag conduct)
  • img_20181121_085306_097.jpg
    DOH nurses with the Barangay Health Workers of San Isidro, Botolan, Zambales.
  • Inventory and Allocation of FP commodities (sa BAWAT BARANGAY. Eh ang Botolan mayroong 31 Barangays)
  • Tracking of Teenage Pregnancies  and of course ang pinaka favorite ko sa lahat. Ang U4U. It is all about strengthening adolescent reproductive health na kina conduct namin sa different schools of Botolan to prevent teenage pregnancy.

Minsan nga naiisip ko, hindi lang yata talaga ako destined maging nurse kundi maging youth advocate rin. Omg. Kinikilig lang ako sa mga pinagagawa ni Lord sa akin. One of my passion din kasi is to inspire and educate my fellow youth. (to be a role model. char! hhahaha)

fb_img_1545576682556.jpg
U4U at New Taugtog National Highschol. Taugtog, Botolan, Zambales

I also do monthly and quarterly reports na sinisend sa FHA-Point Person namin for consolidation and then ipapasa niya ang reports sa DOH-Region and POPCOM. Pag sa Department Of Health ka nagtatrabaho, documentations, journals and accomplishment reports are VERY IMPORTANT..

Syempre to do my reports, kailangan kong makipagcoordinate sa ibang hospitals (like Kainomayan Primary Hospital kasi kumukuha din ako ng reports sa Medtech nila), schools, and municipal office.

Oh diba. Reporting is life! Laptop is life. Flashdrive is life.

Kaya pag hindi ko makita ang FLASHDRIVE ko, namimini heart attack na ako. Hahhaha. Dahil hindi yun pwedeng mawala. Doon nakasalalay ang sahod ko!  hahahah! Files are my life ! Kung walang pinasang report, walang sahod na matatanggap.

Health educator din ako dito sa community. Kailangan ng speaking skills na pinaka ayoko sa lahat. Kaya ako napapasabak dito eh. Ayaw ko magsalita sa harap ng mga tao. Public speaking madedevelop talaga dito.

HEALTH PROMOTION. ILLNESS PREVENTION. Yung key concept ng Community Health Nursing. Gamit na gamit talaga dito!

wp-1545747436256.jpg
House to house visit at Parel, Botolan, Zambales
  • HOUSE TO HOUSE VISITS (for catch up immunizations)
  • Tracking of unmet Women of Reproductive Age. 

Dahil nga may house to house gaming tayo sa community, DAPAT MATAPANG ka! Expected na madaming aso na masasalubong! hahaha

So payong is life para self defense laban sa mga aso sakaling habulin ka nila. Hahahah. 😀 joke lang. Syempre walking under the sun kaya payong ang starter pack. Plus vaccines! Vaccines are life too.

Kailangan mainject ang mga vaccines to avoid wastage. May lifespan lang kasi ang mga bakuna, namamatay din ang mga live microorganisms nila.

  • SCHOOL TO SCHOOL VISITS. Para magpa schedule ng orientation ng programs ng DOH

Like deworming, ligtas tigdas, MMRTD vaccination na ginagawa ng mga Nurse Deployment Project (NDP). Sumasama ako sa kanila kapag wala akong gawain, kasi gusto ko ding matuto. Ang saya kaya mag explore. Nagpapaschedule din ako ng U4U sa mga schools.

wp-image-577025459jpg.jpg
MMRTD vaccination at Panan Elementary School., Botolan, Zambales

 

  • BARANGAY TO BARANGAY DUTIES. Dito mo makaka close ang mga Barangay Health Workers 😊 lovelove! Bilib ako sa kanila! I really admire them for their commitment! Sila ang frontliners mo, kapag magha house to house visits kayo. Kasi saulo nila ang bawat Purok at ang bahay ng mga ka barangay nila, alam nila kung saan pupuntahan.

So we are not confined in one place lang. Travelling is life! Kung saan saang barangay ako umaabot kaya pamasahe is life din! *cry cry* 

Kung may superpowers lang ang mga community nurses, they will be known to TELEPORT like Dora the Explorer.

img20181015133037.jpg
OPT, Vitamin A supplementation, MMR catch up immunization, house to house visit at Malomboy, Botolan, Zambales

I also attend seminars and trainings like yung U4U so that I can conduct here in Botolan..

Shoutout sa Family Health Associates na naging kaibigan ko from other provinces and municipalities during our U4U training at Pampanga. Most specially the FHA Zambales. Municipality of Sta. Cruz to Subic. Thank you mga Ate at Kuya sa pagmamahal nyo sa akin. ❤

Oh diba ang BROAD ng community. That is why I admire yung mga Nurse Deployment Project and every workers of Department Of Health. They are so STRONG and FLEXIBLE.

So ayan. Ganyan ang trabaho ko.

Let’s  go back sa real world.

 

  • Isang pangmalakasang adjustment ang kailangan mong gawin.

Because you are going to get tired but you have to keep going.

Dumating din sa point ng life ko na hinihiling ko kay Lord na, “kung pwede lang magresign as a person, sana naging halaman nalang ako”.

Pag may dumadaang ililibing bumubulong ako sa gilid na “sana sinama mo na din ako” OMG. Scary diba hahaha. Ano bang nangyayari sayo Mitzi!

“bakit di pa ko masagasaan nalang ng truck” because this life seems so depressing. Hindi ako nakakatulog sa gabi. 2 hrs, 3 hrs, worst 1 hr lang sleep ko minsan pero pipilitin ko ang sarili kong bumangon sa umaga. Hindi ako OKAY pero papasok ako ng trabaho. Para saan ba tong lisensya na to, pati kalusugan ko nasasakripisyo na.

Ano ba naman yan. Kung kailan natupad na yung pangarap, doon ka pa mawawalan ng pag asa. Ang dami kasing responsibilities and pagsubok na dumagdag.

Sometimes I feel so useless sa kinalalagyan ko. Still trying to figure out why I exist. Hindi ko na kayang lumaban sa mga binabato ng life, bakit hindi nalang Niya ako kunin. Every day was just a routine. Na bawat pag gising ko sa umaga, is a burden because I was given another day na KAILANGAN KONG ISURVIVE. *my heart breaks*I felt like I am just a robot na gagamitin lang ng mundo WHEN NEEDED.

You can see me alive and breathing but I am DEAD inside.

So what is the reason bakit ako nagka ganyan…

Ang bilis ba naman kasi ng transitions sa life ko. From student life, to that draining board exam, then agad agad work.  Hindi pa ako nakakamove on, mayroon na namang isang change sa life ko. I easily became so attached to a situation and season of my life. Kaya kapag nagkaroon ng change sa life ko, hindi ko maabsorb kaagad. I totally cannot catch up. One factor that triggered me was my expectations. I was expecting talaga na after boards magagawa ko na maging hospital nurse. Yung gusto ko. I am so focused doon then my expectations failed. Tulad ng sabi ko sa first part ng blog na ito. Hindi ko nagawa yun, dahil may mga bagay na dapat iconsider.

Kung may mga taong madaling makapag adjust, may mga tao ding HINDI. We have different level of coping mechanisms.

Ito ay para sa LAHAT: I am going to put a HIGHLIGHT on this because I need to for AWARENESS!

BE SENSITIVE ENOUGH sa mga taong nasa paligid ninyo kasi you never know what those people are going through. Don’t assume na 100 % OKAY sila all the time just because you can see them smiling!

I will say this LOUDER!

You never know, at the end of the day they are fighting INSIDE BATTLES!

Hirap ng inside battles mga besh. I was screaming for help sa mga taong nasa paligid ko.

Mental health should be a PRIORITY talaga!

( One person taught me that I need acceptance for the change that is happening in my life. At may point naman kasi siya. Mabilis kasi ako mattached sa season ng life ko, kaya kapag nagkaroon ng change ang hirap iadapt. )

Hindi pa ako emotionally, physically and mentally prepared. Kaya gusto ko muna sanang mag REST. Pero lumapit na opportunity eh, tatanggihan ko pa ba. SAYANG! Hahahah. Gusto ko narin kasi makatulong sa family ko.Oh diba! SAYANG opportunity. Marupok pa naman ako 😀 Im a type of person na kapag may opportunity,  GRAB agad agad! Sasabihin ko lang na ayaw ko sa una pero at the end of the day pag napag isipan ko tatanggapin ko rin. Ganun ako karupok. Hahahah.

Pero realtalk, hindi kaya madali maghanap ng trabaho. Yung pabalik balik na pagtravel ko sa DOH- Region, San Fernando, Pampanga para magpasa ng application form, exam na to be scheduled, interview then ang pinaka masayang part ng application process.. ang CONTRACT SIGNING ❤

Umaraw,bumagyo bumabyahe kami ni Nanay. Nagpapasama ako sa kanya dahil inaatake ako ng anxiety at palpitations sa bus.

Oo kahit tapos na boards ko, may anxiety attacks parin ako. Sabi ko nga diba, hindi ako nakapag adjust sa bagong mundo ko because ang bilis ng transitions ng life ko. Hindi pa ako nakakamove on sa isa, mayroon na namang isa. To the point na Im having a chest pains because of this anxiety!

Kaya pati work ko affected. Eh nakakapagod pa naman sa community because you are REQUIRED to do house to house visits. Kahit nagchechest pain ako under the sun, tinitiis ko. Minsan hindi ako magha house to house, mag I stay lang ako sa RHU to do my reports. Nagcoconserve ako ng energy ko para maisurvive ko ang 8-5pm duty na yun. (at 1, 2, 3 hours lang tulog ko every night. Sino ba namang hindi mahihirapan doon.) OMG. Naaawa ako sa sarili ko. Hahaha.

Akala ko nga di na ako aabot ng December dahil sa hirap. Pero ito ako ngayon, surviving! matatapos na ang 6 months contract ko sa Department of Health. GOD IS SUSTAINING ME! Thank you Lord!

  • Don’t EXPECT na nasa COMFORT ZONE ka parin.

In order to grow, umalis ka sa comfort zone mo! It is a life requirement.

Honestly, gusto ko talaga sa HOSPITAL. Pero sa ibang mundo ako nilagay. I am so confused kasi diko alam kung plano ba talaga ni Lord ito o sarili kong desisyon. Dami kong questions kay Lord nung una.

At nung lumabas na ratings ng exam ko. Mas lalong nadagdagan ang tanong ko sa Kanya. “Lord ang baba ng grade ko sa NP2 which is community nursing. 77. Sigurado ka ba talagang gagawin mo akong nurse sa community, eh ito yung weakness ko.”

20181103_140705.png
PNLE June 2018 ratings

Pero blessed parin ako. Because I was praying for a kahit pasang awang rating na 75 lang kailangan ko lang talaga maging RN ng June. Pero God is so great! because He gave me more than sa hinihiling ko at ineexpect ko.

Ayun na nga ang pagkakamali ko. Pinapangunahan ko si Lord. Jumping to conclusion na naman ako. Instead of thanking Him, I complained. Sorry Lord ☹

I rushed things to happen kasi because I feel like I do not have enough time to turn my dreams into reality.

Little did I know, God was turning my weakness into my STRENGTH.

So this is what I have learned sa situation ko, God’s plan is always the best we just need to TRUST Him EVEN. WHEN. WE. DON’T. UNDERSTAND His plans for us.

Proverbs 3:5 “Trust in the Lord with all your heart and LEAN. NOT. ON. YOUR. OWN. UNDERSTANDING.”

 

I repeat.. Read SLOWLY.

“…TRUST Him EVEN. WHEN. WE. DON’T. UNDERSTAND His plans for us.”

Then, let that SINK!

 

Hindi ko naman nakikita ang future ko pero magtitiwala ako sa gusto niyang mangyari. Let us cling to God’s promises.

  • Learn the art of PAKIKISAMA (I will call it ART. Because the word “pakikisama” does amazing things)

Buti nalang nililigtas ako ni Lord sa mga kapalpakan ko. Lalo na newbie ako sa work, I admit hindi naman ako perfect. I have flaws too. Pero I am willing to learn. I need to grow in this profession. Hindi lang nursing skills ang dapat kong matutunan kundi pati yung attitude at work and pakikisama sa mga tao.

Take note of this:

The art of PAKIKISAMA is very important. Hindi mo kasi ka level, ka age yung mga ka work mo. Some of them madami ng experience. Some of them mas maraming alam kaysa sayo. They also have different attitudes. Some of them show AUTHORITY and SENIORITY.

So sinong mag aadjust ? ikaw o sila? Syempre dahil NEWBIE tayo, dapat matuto tayong mag ADJUST!

Add mo nadin diyan ang MATURITY. Dahil nasa early adulthood stage na tayo.

Yung mga bagay na pinagtatawanan ko lang nung studyante pa ako kasi A K A L A  K O ang BASIC lang ng life, kailangan seryosohin ko na ngayon. Maygad.. Ayan na naman tayo sa MALING AKALA.

HOW THE TABLES HAVE TURNED!

Adulting why so hard. So MANY RESPONSIBILITIES.

 

  • Embrace the taste of your UNANG SAHOD!

OMG. Kilig overload. Thank you Department of Health kasi may justice ka magpasahod sa mga Nurses ❤ lovelove.

Worth it yung pagod sa trabaho talaga. Ang ginawa ko sa unang sahod ko, yung iba doon itinabi ko para kay Lord. (offering kay Lord) Tapos nagbigay ako sa family ko. Best feeling ever na nakakatulong ka na sa pamilya mo. ❤ Syempre I rewarded myself too. Bumili ako nung gusto kong bilhin.  Ang sherep sa feeling diba.

The best thing about having graduated in college is pag uwi mo ng bahay, hindi ka na magbubukas ng notebook para magreview and books para magbasa. Rest ka nalang.  Tapos may bayad ka pa.

Hardwork really pays off! Harvest ka nalang ng harvest ngayon.

Yun ay kung nagsikap ka nung nag aaral ka pa, pero kung hindi ka nagsikap sa simula palang, wala kang aanihin ngayon.

 

Nakakablessed maging isang Community Nurse. Andito pala ang mga blessings ni Lord sa akin. And I saw how things really work.

Habang nasa community ako, nag eenjoy ako. Ang saya sa kinalalagyan ko. Ang saya kung nasaan ako ngayon. Ang saya magserve sa mga tao. Very fulfilling dahil nagseserve ka sa sarili mong bayan.

Ang dami kong nadiscover sa sarili ko. Mga weakness and strengths ko. Nagugulat na nga lang ako sa sarili ko minsan kasi may mga abilities akong bigla nalang lumalabas and nadedevelop. Napapasabak ako sa community eh. Ang gandang training ground. Hahahah. Sobrang nakakabuild ng INDEPENDENCE ang pagiging community nurse.

All thanks to Department Of Health dahil nakakapagtravel ako sa ibang lugar hahaha. Thank you for the learnings and experience. Being a community nurse brought me to many places. 😊

 

Okay. Enough! I am going to end this blog na. Kung sasabihin ko pa lahat dito, wala ng thrill ang pagwelcome sayo ng real world. Hahahaha!

Pero last na to…

Everything was so IDEAL when I was studying. But when I came out of school and face the reality of life… I was so shocked. Ibang iba. Iba ang sinasabi ng libro sa sinasabi ng tunay na mundo! Hindi naman lahat pero silent nalang ako, it’s for you to find out what I am talking about.

Godbless on your journey Fresh graduate and Newbie RN!

Ako naman ang magwewelcome sainyo.

“WELCOME TO THE  R E A L  W O R L D!”

 

Leave a comment